in connection with my last post... (o dba prang intro lang yun?! haha!) lately, i've been experiencing quite a few disappointments and umm anger, that i think would be healthy for me before the new semester starts (healthy? labo!). is would be good to share with my blog, because... well, it's my blog! and i'll write whatever i want to because... well, it's my blog! hahahaha! hala sinapian lang tong post na to... kala mo naman seryoso... share with my blog tlga ndi readers! hehehe!^_^
pero before you go on, i suggest don't read this na lang. haha! naturingang blog! sa bagay kaya nga i made this post extra long e dahil ang mga gusto ko lang makabasa e yung mattyaga na talagang kaibigan ko na alam ang nangyyari sa kabuhayan! hehe!^_^ o kaya naman pili na lang kayo ng event na babasahin. may title naman e.^_^ drama lang to mga chong! hahaha! ndi fun basahin!^_^ sentimyento and everything! warning lang!=p
EVENT ONE: NEW FONE NONSENSE
last saturday, i was able to apply for a line sa sun sa megamall. (bakit "i" e ndi ka naman pede? haha!) napakabilis ng mga pangyayari! on the spot ang pili! actually dati ang pinangarap kong fone e 7610 ata. nung bagong labas. pangarap lang naman. haha! anyway hindi naman ako pihikan sa cellphones, or any techie stuff for that matter. hindi na kaya nakakawow after a while kapag gamit mo na yung latest and greatest models! makapagtext lang at makatawag buhay na ko! haha! it's the connection that counts!^_^proud ako sa bagong fone ko na kahapon ko lang pala nakuha kase though hindi nga sha yung pinakamaganda nor latest na model ng nokia, wala sa L'Amour collection, i can gladly say na i'm gonna own it and love it kasi first time ko din magkakaron ng fone with my own money. (pero malamang hindi mangyyaring full) para saken kase luho na yun e. hindi ko man sha napaghandaang bilhin, ni wala nga sa itinerary ko bumili nyan ngaun e kung hindi lang din kailangan. natutuwa ako na naturuan kame ng magulang ko na if we want something we don't really need, we have to work hard and earn/save to get it ourselves. bahala sila sa needs, bahala ako sa wants. yung fieldtrip babayaran nila, yung gimiks pagiipunan ko. naappreciate ko sha lalo nung nagstart ako magtutor kase kahit sinabi kong wag na lang nila ako bigyan ng baon, ininsist pa rin nilang bigyan pa rin ako. ni pang project kase ndi ako humihingi sa magulang ko. gamitin ko na lang daw for me ung maeearn ko. (ngayon alam nyo na bat ako gala sabi ng iba! haha! di bale sa pasukan ndi na=p). teka, nasan kaya ang disappointment dito?! eto... i'm disappointed because of reasons i can't share publicly. hahaha! nagpaasa lang ba?! pasenxa na. siguro mamahalin ko nga yung fone na un pero siguro din minsan kapag makikita ko sha, malulungkot na lang ako. may bahid na kasi sha ng reminder ng disappointment na yun. siguro kaya din nung una ko shang nakita parang walalang. i wasn't psyched about it. kawawang cellphone! haha!^_^
EVENT TWO: HS FRIENDS REUNION
saturday pa rin to. sabi nga ni mila sa latest testi nya saken, "pnalampas nya ang isa sa mga pinakaimportanteng gimik ng taon...." waaah! haha! namiss mo lang ako e... wala ka kcng pakner! bakla! haha! kulang ba pag wala ako? haha jowk lang!=p ayun nga, dahil biglaan din yung lakad earlier that day, nalate naman ako sa agendang ito. dapat magkikita kita kame ng hs friends kong sina mila, christine at patricia, kasama na yung friends ni christine. sa kasamaang palad absent ako. nakakasama ko naman din sila o nakakausap, separately nga lang. antagal ko din inanticipate tong small reunion namin. may pasok pa kase ata nung last time noh? pagdating ko ng 4pm sa school nakarecieve ako ng text na nakapagchange venue na daw sila. that time, isang pack pa lang ng skyflakes ang nakain ko. umupo na lang ako sa benches sa tapat ng chapel at nagbukas pa ng bagong pack ng skyflakes. bumili na rin ako ng maiinom. expected ko kase pagdating ko sa meeting place, uupo na lang ako at kakaen. oh well! hindi na din talaga kinaya ng katawan ko e. gusto ko pa sana silang sundan. pinapasunod pa nila ko! sabi ko dadaan muna ko ng bahay para magpalit ng shoes. baka nandun lang ang problema. (may ganun?!) nagpahinga lang ako ng onti bago umuwi at pagdating ko naman sa bahay, nahatak na ko ng kama. wala na. hindi ko na kayang umalis ule. nadrain pala ko ng sunod sunod na lakad, lalu na nung night before! laking hinayang ko lang talaga... (sige manginggit pa!) eto tuloy ako, nanghihingi ng take 2! hahaha! sadness..
EVENT THREE: FAMILY OUTING
the next day, ang nakwento ko ng family swimming! nakwento ko na sha ng masaya. eto naman yung malungkot. sabi saken, magsama daw ako ng friends. shempre naginvite ako. unang una na shempre si acriza. mula nung ngstart yung class nila hindi ko pa sha nakakabonding ule. tamad din kasi minsan pag kina camille e! haha! daming bumubulagang excuses kaya hindi natutuloy! sa bagay malayo din naman kasi ang bulacan. anyway, pati yung classmates ko na friends ni acriza ininvite ko na rin. sila rudolf at ion, mga taong matatawag na "regular" na rin sa bahay kaya kilala na sila ng pamilya ko at ok na ok kung sila isasama ko. sa kasamaang palad, finals ni rudolf kinabukasan kaya si ion na lang ang makakasama. para dumami naman, si ate anne and friends din ininvite ko pero pag wala si ate anne, malamang wala din yung "and friends". nagkataon namang may pinuntahan sha bigla at hindi na nakasunod pa. one hour bago kami umalis ng bahay chaka lang nagtext si acriza which read, "patayin mo na ko." dun ako nasad. ayoko shang mamatay! (haha! eto nanaman sinamahan nanaman ng kakornihan e! ssshhh!) so aun, hindi ko na rin pinatuloy si ion kase nakakahiya naman mahihiya na sha. ok lang naman saken kahit wala nang makakapunta sa kahit sino sa ininvite ko. no big deal! nalungkot lang talaga ko kase andami kong gustong ishare sa bestfriend ko na sa kanya ko lang siguro mashshare. at sa ganung environment madali lang yun gawin. habang sumisisid kame magkkwentuhan kame. habang nagffreestyle nagtatawanan. ganun. the sadness.. oki lang naman i'm over it na! haha! pero sana yung upcoming matuloy na! yaan mo pag nagkita tayo papatayin talaga kita!^_^
pero another thing in this event e yung kababata ko. kasama sha sa outing pero may kasama shang friend nya na hindi ko kilala. i just can't imagine na we've been close eversince. overwhelmed ang puso ko sa mga testimonials nya saken pero hindi ko alam kung bat hindi ko na makita yung truth dun ngayon. parang hindi na applicable. hindi ko alam kung anong nagawa ko, baket all of a sudden hindi na nya ko kinakausap. samantalang dati, pag may problema sha ate agad ang tawag nya. problemadong bata kasi yun. hindi ko rin alam kung baket nya nagawang ikwento sa iba yung mga hindi naman dapat ikwento. at lalong hindi ko alam kung ano nang nangyari dun sa taong ako ang takbuhan, itinuring kong kapatid, inalagaan ko at hindi ko iniwan... lagi lang naman akong nandito. hindi ko alam kung nahiya na sha saken, may galit ba sha saken, o ano? nakaka-??? at nakakasad. people ndi ako paranoid! hehe! we'll talk.
EVENT FOUR: DA VINCI PHONECALL
the next day ule. waw kinarir! monday night, ang saya! sa wakas makakanuod na ko ng da vinci code! kasama ko si kapatid na richard pumuntang gateway nun.
nakapila na kame sa bilihan ng tiket nun nang biglang...
*ring ring*ring ring*
jhoa: hello
ama: nasan na kayo?
jhoa: gateway po, nakapila na sa tiketan
ama: umuwi na kayo
jhoa: e nakapila na po kame
ama: anong oras pa matatapos yang palabas na yan delikado sa cubao, umuwi na kayo
jhoa: e sayang naman andito na. sunod ka na lang po samen nuod tayo
ama: andito na ko sa bahay. gabing gabi na. umuwi na kayo
jhoa: e...
ama: wag makulet a. umuwi na kayo
jhoa: sige po. bye.
***pinaganda ko na lang yan... haha jowk lang!
kapag si papa talaga wala na kong laban e. sa mga ganyang bagay pag sinabing hinde, hinde! wag nang makulet! pero sa totoo lang, ngayon lang uli ako nasabihan nung linyang un. "wag makulet". feeling ko tuloy nun ambata bata ko na sinasabihan ng ganun. kaya hindi na ko nagpumilit. namimilit lang naman ako pero alam ko ang hangganan. try again later. haha jowk lang! napayuko na lang ako nun after at sinabi sa kapatid ko na tara na...
chard: ndi na tayo mannuod?
jhoa: ndi na
chard: uwi na tayo?
jhoa: cguro. ewan. malamang
chard: uwi na talaga tayo?
jhoa: lakad na lang muna tayo o bili ng pagkaen
***ayoko kase talaga pag nagpagod kang pumunta sa isang lugar tapos pagdating mo dun wala ka namang gagawin lalung lalu na kung pwede mo namang gawin yung gagawin mo. buti sana kung trip yun kaso nde. dapat pag pumunta ka sa isang lugar may gagawin ka. kaya nga pumunta in the first place e. dahil may gagawin sa lugar na yon!
kung kaya ayon, bibili dapat ung kapatid ko ng adiksyon nya kaso wala naman dun... asa! anyway, nang hindi kami magkasundo sa kakainan namen, naglakad lakad na lang kame at nagtakeout sa mcdo bago tuluyang umuwi. sarsi float. ang sarap! pero disappointing ung sa branch na yun. hindi na ko bibili dun ule! bulok sobra! anyway, ayun na nga... disappointing... frustrating...
***at i fast forward na rin naten. kinabukasan nagaya na ko ng mas maaga pero tinamad na din yung kapatid ko.. hmp!
EVENT FIVE: CANCELLED CLASS OUTING
when you think there's no more "the next day...", there still is! the next day, day before ng outing ng klase. wala akong masabi e. tama na yung post ko sa group. nice speech daw sabi ni selina! hahaha loka yun! ayoko na sigurong ikwento kase huli na rin to e... hehe basta nakakadisappoint lang at nakakairita yung ibang tao. hindi naman ako naasar na hindi natuloy. ok lang namang hinde. ang kaso pwedeng pwede naman, maarte lang kayo. ayoko na magpangalan kase isyu nanaman? sa bagay kahit hinde,- isyu nanaman! haha! no matter! hindi pinagaaksayahan ng panahon to.. i know who my friends are at kanila lang naman ako may pake. i can never organize this group. sasama na lang ako sa outing kung magkaron man uli ng plano.^_^
EXCESS: DIVING IN ALL THE WAY
para sa lahat ng kaibigan ko, old friends alam nyo na to pero cge lang, new friends read on.=p sana kung may problema kayo saken, reklamo o kung anuman, sabihin nyo naman saken. siguro pwedeng hindi agad agad. pwede rin namang ipasabi sa iba. hindi ko kase alam kung nakakasakit na pala ko o nakakairita. minsan siguro napapasobra yung biro ko. o minsan namimisinterpret yung ginagawa ko. tao lang naman ako and i know i can't please everyone. i don't intend to either. pero pag dating sa kaibigan, lalu na pag napalapit na talaga saken, hanggat maari ayoko nang mawala. ang selfish ba? mushy as it sounds, kayo kase yung nagpapasaya saken. kayo ang ngpapatao saken. (wataterm!!) masakit kapag iniwan ka ng kaibigan mo ng hindi nagsasabi ng dahilan. i was never a fan of "what you don't know won't hurt you." i have always believed that truth is most important eventhough it may hurt badly. nakalimutan ko pa yung kowt dun na gustong gusto ko. ewan ko. kanya kanya lang siguro talaga yan. may ibang masaya nang mabuhay sa kasinungalingan. atlis masaya sha dba? ako nde e. ayoko kase ng pinagmumuka akong tanga. ayokong inaundermine ako. basically yun lang naman talaga ang ayaw ko sa tao. yung hindi kayang magsabi ng totoo. sinungaling in short. ganun. acriza, mila and selina part. don't bother reading *arrgghh! don't make promises if you don't intent to keep it. better yet, don't make promises at all! don't ever give us false hopes. specially if you're not good a tall tale teller enough to fool us. i hate to hate you but that's what you're forcing me to feel. tama na kasinungalingan! (nguya ng popcorn *munchmunch*) hay hirap neto o.. tsk tsk! kasawa na.. sarap ipabasa ndi lang ako handa sa maaring mangyari pa... hihi!* end. para nmang ndi pipiliting basahin ng iba! haha! oki lang saken ang mayabang, malandi, ndi nagsasalita, may kapansanan, walang sense, babaero, outcast, watever! basta totoo. totoo ka lang, totoo di n ako, we're cool! andami ko pang sinabi noh? ang point ko lang naman dun, let's be open. kase because we're individually made unique, our perception on things differ as well. nagpost na ko tungkol jan e. anyway, kaya din may friends. mata ng isa't isa pabalik sa kanya. kung may kailangan man baguhin or iimprove sa sarili mo, your true friends will know kung anuman yun. gamitan nga lang din ng utak shempre. para lang yang pagpinatalon ka sa bangin ng kaibigan mo tatalon ka ba? hinde diba? ayun lang... waw! three birds with one stone ito! sentimyento sa dalawang tao... isang kaibigang naglalaho at isang taong sinungaling... hehe! pati message to my friends! hahaha!^_^