Monday, February 18, 2013

RIP Mameng

Iyak pa rin ako ng iyak. Hindi ko pa matanggap na wala ka na. I love you mameng. I wish I've been more expressive. Sana mas naipakita kong mahal kita at naaappreciate ko lahat ng ginagawa mo for me, for us. Yung pagluto mo ng fried chicken for me everytime na bumibisita kami dahil ayaw ko ng papaitan. Hindi man lang ako sumasagot o ngumingiti. Sorry po. I love you! Hug me mameng! Be at peace na. Ang dami ko pa sanang gustong ibigay sa inyo pag lumaki na yung sweldo ko. Mejo kuripot pa kasi ako ngayon e. Sana hindi pa to ngayon nangyari. Pero kinuha ka na samin ni Lord e. Gusto nya yun e. Lord sana po bigyan nyo ng strength most specially si daddy pati na buong pamilya. Thank you Lord kasi kahit paano pinahiram nyo sha samin. Nainspire ako to be like her. Nainspire ako nila ni daddy. Thank you Lord. Sa inyo na po sha uli.