Tuesday, November 08, 2005

a tribute to my best friend

lam ko knwento ko na sa last post ko na nantreat c acriza kahapon pero my iddagdag pa ko. mushy itong post na to psenxa na... haha! special post to para sa aking best friend!^_^ hindi ko nman naelaborate ung kwento ko kahapon e kaya dito n lng. una sabi nya 10am dapat asa g4 na kme. 9 daw dapat umalis na ko ng bahay. sabi pa nya "malleyt ka nnman e!" tas kng gus2 ko daw sabay n lng kme mula q.av station ng mrt. hehe magulo ngang usapan kc ala na ko load nun isang gabi tas my pnpgawa pa saken sa pc c ama. ayun. maaga ako! haha! naks! as in naghintay pa muna ako ng text nya bago ako umalis ng bahay. kaso nalimutan nya rin ako itext nung asa litex na sha kaya hinintay nya rin ako. anyway si camille mas late naman dumating. hehehe antok na antok pa ko talaga nun sobra. natutulog na nga lang ako sa mrt. pero nung may tumabi saking matanda ndi na ko makabalik sa dreamworld kc nakakahilo ung pabango nya. hehehe kumaen kami muna sa mcdo. nkakatawa kc my mcdo card si acriza tas sabi kelngan daw at least 150 pesos worth ang order nya para magamit ung card na un kaya pngsama na ung order namin. lumabas 147 lang! haha nakakagulat bigla nyang cnabe "miss, sandali, di pa ko tapos umorder" hahaha! kya napaorder pa sha ng mcflurry. hehehe mayamaya dumating na c camille hatid ng kanyang ama. di pa nakatiis yung dad ni camille humingi muna ng fries ko. hahaha! ayun kwentuhan muna tas nagmoonwalk na kme papuntang time zone. hehehe at dun ko nadiscover ang bago kong kaaadikan. yung drums thingy. hehehe my lalaking nakared at nakacap pa nga na kinainisan c acriza dun. kc ba nman bastos bigla n lng mgsswipe ng card hbang ngllaro c camille e dapat ssunod pa kmeng 2. at nang akala naming wala na sha, binalikan namin ung game na un tas ba naman! kagulat gulat inulit nya ule ung ginawa nya nung una! inasar ko na nga lang e. sabi ko na lang ngpppancin lang ung kay acre gusto mahingi ung number. tas pinagpasapasahan na nmin tawa kme ng tawa! haha! ung isang tambol na game nagmayabang kme ngnormal mode kme gayung beginner lang kme. haha! ayan tuloy pasa ang inabot ko! inantok si acriza sa air hockey. wala kc kmeng kwenta ni camille mglaro. c mila kc dpat ktapat nya dun e. preho clang macho! hahaha! naglaro din kme nun virtual boxing ba un? preho kme ni camille na ndi natalo ung unang kalaban. 1st round nga lang ako nanalo dun e. japeyks kc. ung ilag ko nga lage upo e... haha! nkkatawa tuloy! c acriza umabot dun sa 2nd na kalaban. panu ba naman niregaluhan namin sha ng punching bag nung 18th bday nya! haha!nilaro namin ni camille ung sagwan sagwan na nging sanhi malamang ng masasakit kong braso ngaun. nagshoot ng mga bola ky stitch at kay pooh. mostly ung may mga my knlaman sa parang dance dance revo ung screen ung mga nilaro nmin e. ngracing kme. 1st ako! haha pngmalaki... dun lng nman ako nging first... hehe! pero ung laban namin ni camille talo ako... biglang dumaan ng pitstop un ssakyan ko ang weird! ganda ganda nman ng takbo nya... hehe hmmm anu pa ba? nagbarilan din kme... pumatay kme ng zombies walalang... hehehe ung may lumalabas din na crocodile chka ung my lumalabas din na mga mga... anu ba un? spiders? bsta! hehe tas ung mga parang latang pinapatumba... aun! pero ndi cla lata, sila ay figure ng... di ko na maalala e... nglaro din kme nun ung palakasan na ihhampas mo tas iilaw pataas... akalain mong umilaw lahat nung humampas ako? haha ang macho ko!!! natalo ko c camille!! haha kalokohan... di makatotohanan ung larung un... hehe! bsta laru lang ng laru hnggang sa magsawa... sa sinehan nga pala my mga posters na ng harry potter and the goblet of fire. nakaktawa ung mga poster nila hermione at ron ksama ung mga partner nila biglang c harry ksama c mad eye moody! hahaha! bka may secret love affair din cla... hahaha! showing na po! november 16! kaya dapat walang lab sa araw na un kundi mappilitan akong magabsent! hahaha! ayun, next stop, powerbooks! naparegister pa ko sa globe girlfriends at nakakuha ng one free back massage from bioessence ng di oras. hahaha! andami namin kinatuwa dito... hehe ako lalu na dun sa book of answers. para shang ung magic 8 ball yun nga lang libro shang maliit at mas mraming pagppilian na sagot! hehe kung anu ano ung mga tinanong namin tas walang kuneksyon ung mga bnbgay nyang sagot! haha tas my nakita kmeng libro ng gayuma ba un? haha tas nirrecite ko ung mga orasyon nakakatawa! hahaha! meron naman aliw na aliw c camille yung librong pambata na maffeel mo ung fur o scale nung animal na nkadrawing. pag wala kang pet, pede na un! hahaha! ayun, puno ng tawanan tapos off to red box nman kme. room 37. hehe nilista pa pati un. masaya sobra! sa cmula wala pa sa mood kumanta. pero kung kelan mauubos na ung oras chka feel na feel. nakakahiya ako nun kc ngaaaction ako sa harap e ung pinto kc my part na see through tlga. my nakatingin pala saken pinagttawanan ako! haha nakakahiya!! umupo n lng ako bigla! haha di ko na nakita ung mama e. di ko matignan. haha! ginagawa ko kc nun nillipsing ko un boses ni acre tas nlalagyan ko ng actions! haha anung kanta nga ba un? limot ko na e! da best ung pagrreminisce ni camille sa spice girls, ako sa m******... haha! nakakahiya di ko masabe! haha pinakanta lng kc saken... hehehe! tas ung dpat repeat performance ni acriza ng suntok sa buwan e! haha! da best lalu ung linkin park marathon nmin... haha! kung anu pa ung mahirap kabisaduhin un pa ung walang lyrics... points of authority nga ba un kantang un? hehe waw knikilig cla ky mike shinoda... ako ky chester! hahaha! haaay ang saya! kumanta pa ko ng frostie d snowman wag ka! hahaha tas anu nga ba ung knanta nilang dalawa? ung ngwwala cla? ung nkkalokang kanta? haha anu nga ba un? waaaah di ko maalal! bsta da best un sobra! haha tas knanta din nmin ung my mga meaning samen... ang i'll be ni camille... ang especially for you at closer you and i ko... at c acriza prang walang kanta e... pero mrami nman shang knanta.. dapat lang! hahaha! haaay di ko na maisa isa ung mga kanta shempre... bsta mga apat na oras din ata kme dun... or less... mrami rami un! hehe at ang pgkaen... umorder sha pork sisig at anu nga ba tawag dun na beef! pareho clang maanghang! at isa pa, first time kong mkakain ng sisig! hahahaha! ayoko p man din ng maanghang. dati kmaen kme sa chinese restaurant ata un na nalimot ko na ang pngalan tas ung hot and sour na soup nun pngpawisan na ko pero c acriza di p ata naanghangan. e dis tym naanghangan sha dun sa beef. tas ako shmpre di mkaangal. bday e. hehehe kya sabi ko kkainin ko tlga un. haha! tapos gnwa p nga pnatay ung ilaw e... my liwanag p rin nman... hehe para daw ndi ko makita ung knkaen ko tas wala akong piliin... haha! epektibo! sinubo ko lng sha ng sinubo... msarap pala... maanghang nga lang chka kakaiba... pero ayan tuloy nakakain ako ng paminta cguro un... sobrang anghang umuubo n tlga ko... haha! tubeeeeeeeeg! hahaha andami ko nainom yan tuloy... haaaay ang saya talaga... tapos nglakad n kme... tumingin ako ng bag kaso ala ko nakitang gusto ko bilhin e... tas nagMRT kme pra puntahan ung mom ni acriza tas hhatid nla kme ni camille. hehehe ang galeng ni camille. sabi nya nga "19 na talaga ko" kc first time ata to na ndi sha natakot sa tatay nya. na khit late na at 7 lang ang paalam nya e cool pa rin sha. "wala naman shang magagawa" sabi ba naman! gulat kme! hahaha woohoo go camille!! naallergy c acriza sa mrt ewan ko kng baket... haaay... aun nman nung asa kotse n nla kme ung sis ni acre inuubo kya sabi pgdaan daw sa bahay enge tubig sana. hehehe pero bago nun! e on d way un bahay ni kuya... aba akalain mong huminto tlga kme dun at ngpapicture?!? haha yaks! hahaha! pero ako lng ung napicturan e... kc lobat n pla ung camera ni camille... haha my kwenta! grabe antrapik dun panu b nman lhat ng dumadaan bumababa at ngppapicture! prang ung gnwa nmen? hahaha kadiri... di ko akalaing ggwin ko un! hahaha! andun p nman un picture ni fafa sam... hehehe nkkahiya ako... hahaha! aun hinatid muna c camille sa jabee lacson. akalain mong sbi ng dad nya mgcomute n lng daw sha pauwi?! di ko lam kng mttuwa kme o nde e... nkkatuwa kc pnagcomute sha! nde kc gabi na eno pngcomute pa bigla... haha! mntalang di nya gawain un... anyway nung ako na... shmpre bumaba si acre para kunin ung tubig tas binigay ko nman ung gift ko s knya. nung ngllakad n kme papuntang mrt chka ko lng cnabi na my gift ako e. actually cnabi ko na nung gabi na my bbgay ako s knya kaso di ko dinala kc anlaki nkktamad... hehe kaso di nya pla ntanggap ung text na un kaya aun surprise pala tuloy ang naging effect... haha! sabi ko nman hilig ko ngaun mgregalo pag bday ng mga taong mhalaga saken. hehe kaya aun naghanap ako ng gift. shempre ibang tao nga niregaluhan ko bespren ko pa kya dba?! haha! nkakita ako ng puzzle na kenshin sa comic alley kaya aun ung binili ko s knya. orange nga lang. pero wala ng iba e. langanmang ung poster na bente pesos lng... o ung keychain na ndi nman mshadong kmuka ni kenshin. naicp ko lang, sa laki as in sobra ng nagawa nya saken dis past year, eto yung paraan ko para magthank you at mapakita kng pano ko sha naappreciate. kung gano sha kahalaga saken. ganun ganun. pero di ko akalain na ung gift ko pala na un mkkpagpasaya s knya ng sobra. 12mn ng nov7 tnxt ko sha ng happy birthday. mtgal din bago sha ngreply. lagpas 1 na ata un. tapos tumunog n lng ung fon ko nakita ko 4msgs received. akala ko daily horoscope lang un pala sha. 4-part text na pasasalamat saken. bobo nga ng daliri ko e pagbasa ba nman erase agad. ung mga gnung text dapat cnsave e! haha! pero seriously, natouch tlga ko sobra sa text. nkkaiyak. daig pa retreat! gusto ko din sanang ibalik ung mga cnabi nya kaso ala na ko load at 160 characters lng ang naaaccomodate ng aking phone e. hehe pero sa totoo lang, i'm very very lucky to have met her. sha na siguro ang greatest influence sa buhay ko shmpre maliban sa pamilya ko. hehe isa shang blessing na matturing. ndi sha perfect. walang taong gnun. pero tunay sha. typical shang nilalang yet napaka unique. we share our love for laughter. we both love math. pati english pero mas labs nya un. linkin park din. we share our love for music. sa movies naman ang disney classics. malakas kme preho mambara at manlaet. ung tipong for fun lng at ndi para manakit ng iba. laet as in critique ang dating. mambara dahil ganun lng tlga kme. pero malala sha saken. sa knya ko lng natutunan un e. haha jowk! kumbaga sa wave length in phase kme. mrami kaming bagay na shinshare pero still napaka iba namin. cguro ung iba kng ttignan di aakalaing magbestfriend kme. naalala kong may nagtanong pa saken dati kung bat ako sumasama sa kanya. sa kanila ni xyrwyn nung 2nd year. natahimik lang ako nun kc ngtaka ko sa tanong nya. di ko rin naman akalain na sha pala ung magging pinakamahalagang taong dadating sa buhay ko. for sure pag nagkaron pa ko ng lablayp at pinapili ako between her and the mr lablayp, walang alinlangang sha ang pipiliin ko. love nya c kenshin, ako nabbadingan s knya. ang tipo nyang lalake ndi ko tipo at vice versa. pero impernes my ngkapareho n kme ng kras a! at basketball player pa un! haha weird! mahilig sha sa maanghang. ayoko ng maanghang. mahilig ako mgskirt sha pag trip lang. kras pa man din ni camille ung legs nya! haha! tahimik ako at vocal sha. ang personality ko ay parang walalang, sha naman strong talaga. ligawin akong nilalang, sha naman gala. haha! pero dahil na rin sa kanya nagiimprove ang geography ko! mabilis sha kumaen ako mabagal. mayaman sha ako mahirap. hahaha watda?! grabe ang memory nya kamangha mangha! ako my memory gap. hehe! gusto nya matuto magchinese. ako japanese. hehe malamang kc chinese sha. ako pinoy.. haha! labo! macho sha ako lalamya lamya kya nung haiskul boyprend ko yan e! taga bitbit ng gamit ko! hahaha! napaka gentleman! hahaha! yaks baka icpin nyo wer lesbians a?! hahaha yaks! straight po kme preho... hahaha! sha rin ang naginfluence saken magbasa. sabi ko nga ang mga binabasa ko lng na libro halos e ung mga nirrecomend nya. at ndi pa nman nya ko nabibigo dahil lahat nga ng nirecomend nya e nagustuhan ko. si acriza. maraming taong ndi sha nkkasundo. takot sa knya? hahaha! ewan ko pero hindi lahat ng tao gusto sha. mshado mapanghusga mga tao. aus na rin yun para wala ako mshado kaagaw sa kanya. hahaha! gelpren daw ako... haha tama n nga mpgkamalan pa ko lalu e! anyway, di lang nila alam kung ano nammiss nila. si acriza ang tipo ng kaibigan na hindi mo hahayaang mawala sau. pag napalapit ka na sa kanya talagang aalagaan ka nya. nageeffort sha makasama lang mga kaibigan nya. hindi sha ung tipong kung kelan lang magkita chaka lang. o text lang ng text o kya naman laging kausap sa telepono. wala silang telepono sa bahay at hindi sha ung tipong tulad ng mga taong my sun na mayat maya mong katext. ni hindi rin sha nagcchat. dumadalaw sha sa ust pag may time sha. nagyayaya sha gumimik sa kung saan pag my okasyon o kya opening ng harry potter movie. haha! yan si acriza. iba maging kaibigan. kaya naman twing nagyayaya sha, nasabi ko na sa dating dati ko pang post... manigas na muna ang quiz kinabukasan, magantay na ibang lakad, manigas na ang sakit, basta pag nagyaya si acriza pwede ako! hahaha! as much as possible tlga kahit siguro finals pa kinabukasan basta kinailangan nya ako di ako mgddalwang icp. alam nyo bang BI sha? hehehe aus lang yan! di nman sa mssamang bisyo e... sa mga kaadikan lang... haha! pero ndi ko sha maBI magbilyar... hmpf! hay naku pag naging kaibigan nyo yan gugulo ang buhay nyo! haha jowk lang! sobrang fun to be with. hanga ako sa utak nya. isa kc shang henyo. ndi lang sa math. ndi lang sa english. kundi sa math at english. isa shang versatile genius! dapat sambahin! haha jowk lang! pero mas hanga ako sa kkayahan nya magexpress ng sarili nya. sabi ko nga tunay sha e dba? walang bahid ng kaplastikan sa katawan. pero alam nya rin kung kelan sha kumilos dapat ng out of respect. bsta alam nya kng pano kumilos. kung may ayaw sha sau ssabihin nya talaga. kung masaya sha ippakita nya rin. kung galit sha mageenglish na sha! hahaha! eto ang bagay na hindi ako magaling gawin nuon e. lalu na kapag harap harapan. siguro tulad ako ni banne na tahimik lang. lahat ng nangyyari ay walalang. ang pakiramdam di iniinda. pero natuto ako. hinangaan ko un kay acriza at natuto ako. openness. ito ang pinakamahalagang sangkap sa samahan. at ito ang hindi nabigay saken ng dati kong kaibigan kaya kami nasira. sabi ni acriza nun saken, sabihin ko lang daw kung may hindi na ko gustong ginagawa nya para maging aware sha at mabago nya. o kaya naman para mapaliwanag nya ung kung anuman ung nagagawa nyang baka nammisinterpret lang. walang taong perpekto. and we can't please everyone. pero there's always room for improvement. in a span of five years nagawa naming mapatatag yung samahan namin to the point na alam na namin ngaun pa lang na kahit kumulubot na balat namin at pumuti na buhok namin e magkaibigan pa rin kami. kaming tatlo nila camille. isipin nyo na lang ang hirap na to. nakatira sha sa bulacan, ako sa quezon city. nagaaral sha sa flight school internation sa pasay, ako sa ust sampaloc. wala shang landline, therefore wala ding internet connection, walang chat, walang friendster. walang silbi ang sun sa kanila at tanging ung globe na line lang nya ang communication namin. hehehe minsan lang sa buhay ng tao. nakailang lipat na rin sha ng college. classmate ko sha nung 2nd year high school. pinaglapit kami ng masasaklap na pangyayari. hehe! pagdating nung 3rd year, anlau ng klasrum namin. lalu pa nung 4th year na magkablang dulo pa talaga! first year college asa med bldg sha, ako sa engg. 2nd year college sa ama n sha ngaaral. ngaun nman sa fsi. pero promise daw nya last na un. hehe! this only proves na hindi balakid ang layo namin para mawala ung friendship na nabuo namin. and this is what i like about her. na hindi nya hahayaang mawala yung friendship na un. tanga ko sigurong mafeel ko yun ng late na. i mean, antagal bago ko naicp na sobrang effort yung ginagawa nya para makasami kami pero ako lagi n lng nagaantay kung kelan sha magaaya. kung sa bagay, pasalamat na rin sa mapait na experience ngaung college nakita ko ang value ng friendship. once nung 2nd year sobrang namiss ko si acriza at ang iba ko pang hs prends habang ngaaral ng para sa geometry major exam kinabukasan. haha! funny... kapag nahihirapan ka na maiisip mo na lang yung mga taong mahalaga sayo. na sana nasa tabi mo sila. minsan iniisip ko sana hindi na lang malalayo yung mga kaibigan ko. pero siguro added thrill na rin yun. mas maaappreciate mo ang tao pag wala na sila sa tabi mo. pero kesa naman mwala sila ng tuluyan, masaya na rin na alam mong nandyan lang sila. malayo man malapit din! hehe commercial?! minsan kasi may mga pagkakaibigan na nawawala hindi sa ganung paraan. in terms of space malapit lang sila. ayan, nakikita mo pa. pero for some reason bigla na lang kau magkakalayo. bigla na lang mangyayari. yun ang masaklap. masakit kapag bigla ka na lang iniwan ng kaibigan mo for reasons you don't understand. araw araw mo shang makikita tas magwwonder ka na lang, ano bang nangyari samin? siguro hindi yun tunay na friendship. para sayo man tunay, siguro sa kanya hindi. o baka mshadong maaga mo lang binigay yung tiwala at puso mo sa kanya. masakit yun. likas man akong mahiyain talaga sa strangers, lalu pa ko natakot ngaun magbuild ng deep friendship with other people. hindi lahat ng tao tulad ni acriza. o siguro bilang lang talaga ang pwede mong maging tunay na kaibigan. ako hindi mapupuno ang mga daliri sa isang kamay ko ng pangalan ng mga taong kayang kaya kong ipagkatiwala ang buhay ko. ang haba ng post ko o... 3am na at may pasok na mamaya... pero ndi pa rin ako tapos... siguro sa ibang blog ko na lang to ittuloy... last few words na lang... acriza, hindi ako magiging ako ngaun ng di dahil sayo. God gave you to me as the greatest blessing, together with my family. pra na rin kitang kadugo. apihin man ako ng buong mundo, bagsakan man ako ng langit at lupa, kahit pa mapunta ko sa state na i can't go on any longer, just the thought na anjan ka lifts my spirit. bakit ko hhayan ang sarili kong mabother sa isang taong magpapaiyak saken sa sobrang sakit kung ikaw itong magpapaiyak saken sa sobrang tuwa? i'm so thankful to have you and i'm overwhelmed knowing that you feel the same. besprend kang tunay!^_^

minsan lang siguro dadaan ang ganyang tao sa buhay mo. swerte ka pag nakita mo sha. kaya alagaan mo yung taong yon dahil sha ang magpapakita sayo ng tunay na kagandahan ng buhay.

"Everyday is a happy day!":p

0 Comments:

Post a Comment

<< Home