Monday, October 31, 2005

masaya ang buhay ko. masaya nga ba? first week ng bakasyon akala ko ayos na lahat. nakita ko na grades ko. masaya ako na isang tres lang kahit pano. masaya ako pag mataas ang grade ko. dapat ko yang alalahain twing nagaaral ako. pwede yang motivation. last week kinausap ako ni patrick. hindi pala sila okay ni banne. sa bagay dati pa naman sila ganyan e. at dahil madalas ko din kausap si liszt na best friend ni shas, nalaman ko din na hindi okay si shas at alex. yung problema ng dalawang couple na nabanggit ko ay dahil sa "affair" na namamagitan kina alex at banne. dahil may nakaraan sila kahit na pinili ni banne si pat na pwedeng haaaay nakakaloka ang istorya nila. pero yun na nga ang dahilan. natira kasing magkaklase si banne at alex. habang nagkkwento saken si patrick, may mga nabanggit siya na may kinalaman nanaman ako. tungkol sa pagseselos ni banne saken. sumama nanaman ang loob ko sa mga narinig ko. ilang buwan ko ding pinaglabanan ang dapat na maramdaman ko kay banne. kung maituturing ko pa rin ba siyang kaibigan o talagang hindi na. masakit kasi yung mga ginawa niya saken. pakiramdam ko binasura nya ko. una sa lahat hindi niya ko pinagkatiwalaan, pinaglihiman nya ko, inisip nya siguro na kaya aagawin ko si pat sa kanya o kung anuman. hindi lang yun e. plinastikan nya ko. haaaay. nasaktan nya talaga ako ng sobra. ano bang ginawa ko para tanggapin yun sa kanya? para kcng of all people bakit sha pa ung sasakit sakin ng ganito. sobrang lakas ng impact saken nung nabalitaan ko un sa unang pgkkataon. naramdaman ko naman e. pinaramdam nya pero bakit ganun? pag kinakausap sha iba ung cnsabi nya? ang plastik. hindi ko matanggap na pagsisinungalingan nya pa ko matapos ang lahat. eto ang naiisip ko sa kanya. akala nya diyosa sha na sa lahat na lang ng ginagawa nya tama. na lagi na lang shang mabaet pero hindi nya siguro alam. o alam nya man siguro na nakakasakit na sha tapos tahimik pa rin sha. hindi ko sha maintindihan. hindi ko alam kung bakit kelngan mangyari to. sinubukan ko naman ayusin pa rin ung frendship namin e. pero sha na yung may ayaw. for a while pagtapos namin magusap nun e parang okay naman. pero hindi rin pala. hindi ko na nga alam e. may panahon pa nun na twing nakikita ko sha lalu lang talaga ko naiinis. nanghhinayang. nalulungkot. o baka nappoot na rin talaga. sabi kasi saken pati daw nanay nya galit saken. oo marami akong pagkakamali pero nagsorry na ko. hindi ko naman talaga alam. kung sinabi nya lang. yun ang problema sa kanya. ayaw nyang sabihin kahit na nasasaktan na sha. ang sakit pa rin. ang sakit talaga. naisip ko, bakit ba ko masasaktan? kung ganyan sha saken hindi dapat ako masaktan. hindi ko sha kawalan. sino ba sha? kung ganto sha saken ibig sabihin nun hindi nya ko tinuturing na kaibigan. na walalang ako sa kanya. tignan mo nga, bakit hindi nya maiwasan si alex? sagot nya dahil kaibigan nya un. e bakit ako naka nyang ibasura na lang ng ganun? ako na binigay ang buo ko dahil tinuring ko shang tunay na kaibigan. i trusted her with everything. si alex hindi naman friendship kundi more yung intention talaga e. ako pure naman ung friendship na binigay ko pero bakit ganun? eto talaga yung hindi ko matanggap e. pero kelngan tanggapin. nung nakausap ko si pat at sinabi nyang gusto na nya makipagbreak kay banne, natuwa ako. hindi dahil gusto ko si pat kundi dahil gusto ko yung idea na masasaktan si banne sa gagawin nya. masama ako. oo masama ako. hindi ko gustong maging masama pero yun talaga yung naramdaman ko. pero kagabi naging madrama yung usapan namin ni liszt. dinrama nya yung tungkol kay justin. si justin ay talgang minahal ni liszt at sarili nya pang kaibigan na pinagkatiwalaan yung para na ring nagktaksil sa kanya. dahil hindi mapunta ng buo ang lalaking pinakamamahal nya dahil ang lalaking yon hinihintay lang si lesley. samantalang si lesley pa ang sinasabihan ni liszt ng lahat ng emosyong nararamdaman nya nun kay justin. masaklap. masakit. pero kelngan nya na lang tanggapin. dahil sa kwento nya naisip ko lang. si banne din nananahimik lang. naisip ko na hindi naman siguro ganun kasama si banne. sa tingin ko masyado din akong naging makasarili. lagi kong sinasabi dati na ang selfish ni banne. pero ako din pala. nung simula naman mabait pa rin ako. napaglalaban ko pa rin yung pagkakaibigan namin. pero habang tumatagal talaga lumalau sa kanya ang panig ko. twing ngkakayayaan sila nila rex na magaral sa bahay nila, hindi ko maalis sa icp ko na dati kami yun. dati kame ung nagaaral dun, masaya... pero ngaun nahihirapan pa kami maghanap ng pwesto sa library. pati sila eisen nadamay na sa alitan namin. bakit pati sila kelngan madamay. kasalanan ko rin. nagsimula kay banne, ngaun si eisen naman yung unti unting nawawala saken. ang saklap naman ng buhay. unti unti akong nawawalan ng kaibigan. ganun ba ko kasama? siguro. hindi masama si banne. hindi ko dapat isipin na masama sha dahil sa nararamdaman ko sa kanya. hindi nya rin to ginusto. wala namang may gusto kahit na pangit ang kinalabasan. hindi ko rin naman pala sha masisisi kung ganun yung nararamdaman nya noh. naiintindihan ko na ngaun. ganyan lang tlaga ang buhay. kelangan ko lang tanggapin lahat tas matuto sa mga pagkakamali ko. sa case ni eisen andami ko rn pagkakamali. kaya ngayon unti unti n shang nawawala pati saken. pati ba ito kailangan ko nanamang tanggapin? dahil na rin siguro sa pagbabalewala ko sa mga tao tulad ni lyndon. sorry pat sa iniisip kong yun tungkol sa gf mo. mary matuto ka na. magandang future ang nakikita ko ngaung 2nd sem.^_^

"Everyday is a happy day!":p

0 Comments:

Post a Comment

<< Home